C-eye device sa 2019 SOI Congress sa Rome

Pinepresenta ni Prof. Cosimo Mazzotta ang C-eye Device sa 99th National SOI Congress sa Rome

Si EMAGine Scientific Advisory Board member, Prof. Cosimo Mazzotta mula sa University of Siena, Italy, nang tumayo siya sa may podium para magbigay ng presentation tungkol sa EMAGine C-eye device noong Friday, November 22nd, 2019.

Sa presentation na pinamagatang “C-eye: New Cross-Linker at the Slit Lamp”, ipinakita ni Prof. Mazzotta sa mga delegate na dumalo sa Rome para sa 99th National Congress of the Società Oftalmologica Italiana (SOI) ang bago at madaling dalhin na C-eye cross-linking device at kung paano puwedeng gawin ang cross-linking sa slit lamp na gamit ito. Ibinahagi din niya ang mga benepisyo ng paggawa ng cross-linking gamit ang slit lamp – tulad ng pagbabawas sa gastos dahil puwede nang gawin ang procedure sa labas ng operating room, at pagiging “demokratiko” ng pag-access sa corneal cross-linking para sa ectasia at nakakahawang keratitis (sa prosesong tinatawag na “PACK-CXL”).

Pra sa karagdagang impormasyon tungkol sa C-eye device, i-click ito. 

Mag-subscribe sa Aming Newsletter